Tatlong truck ng buhanin, dumatinn na

Abril 12, 2016 - Inihatig ang unang tatlong truck na buhangin ng Municipyo bilang tugon ng Pamunuan ng Asosasyon sa pagsasaayos ng Riprap na nasira noong kasagsagkan ng bagyo na nagdulot ng matinding pagbaha sa loob ng subdibisyon. Ito ay paunang paghahatid mula sa 30 truck load na buhagin na ibinigay ni Mayor Marivic​ at Atty Alex Belena (ASB) na gagamitin sa pagtatayo ng Multi-Function Gym sa open space sa tabi ng Club House sa Agosto 2016.

Matatandaan nong ika-11 ng Marso ay nagtungo ang Pamunuan ng Asosasyon sa pangunguna ng ni Pangulong Elito Circa kasama ang ilang kabataan at Roseville Transport Service na humiling ng 30 truck load na buhangin at dalian na man itong pinayagan.

Ang pagsasaayos ng Riprap ay pamamahalaan ng Punong Lupon ng Proyekto at Mentena na si Director Alberto Roxas at ang itinalagang punong abala na si Director Sebastian Apolonio katuwang ang Pangalawang Pangulo at ilang opisyales ng asosasyon at kinatawan ng barangay na si kagawad Ricardo Aguinaldo, Jr.

Ang pagtatayo ng Multi-Function Gym ay matagal nang pangarap ng mamamayan upang magamit ito bilang basket ball court, muscle fitness gym, events at iba pang okasyon pang personal. Bagamat opisyal na nakadeklara sa Register of Deeds na ang Lot 5 Block 18 na may Transfer Certificate of Title (TCT) No. 18138 at Lot 1 Block 12 na may Transfer Certificate of Title (TCT) No. 17986 ay isang bakanteng lote o Open Space na sadyang nakalaan para sa mamamayan ng Roseville kinikilala rin ng Asosasyon ang kusang loob na ibinibigay ng R.S. Santos and Realty Development Corp. ayon sa pag-uusap sa hearing sa HLURB noong nakaraang taon.



See more News

Roseville Subd., San Jose City
Sto. Tomas, Nueva Ecija, Philippines
email: info@roseville.mysubd.com