Security Guard ng Asosasyon nagsimula na

Setyembre 1, 2014 - Nagsimula na ang panunungkulan ng nahirang na bagong Security Guard mula sa FEMJEG Security Agency na pag-aari ni Col Baldovino Sr Ret sa loob ng subdibisyon. Ayon sa kasunduan (MOA) sa pag-itan ng asosasyon at ng ahensya ng security, ipapatupad ng guwardya ang mga alituntuning nakasaad sa polisiya ng subdibisyon na nakasaad rin sa nilagdaang kasunduan.

Ilan rito ay ang pagbabawal sa mga pumapasok na nagbebenta, naglalako at ang mga nagaalok ng mga produkto na walang sapat na dokumento at pahintulot mula sa Barangay o Asosasyon. Sa pamamagitan nito maiiwasan ang mga nagmamasid (spy) lamang sa mga bahay-bahay na nais nilang gawan ng pagnanakaw o kung anumang masamang tangka.

Regular rin na itinatala sa logbook ang plate number ng mga sasakyan na pumapasok lalo`t hindi taga-Roseville, kasama na ang pag-iiwan ng Driver License at helmet sa mga motorista lalo na kung may angkas. Sinisita rin ng guwardya ang mga maiingay na motor.

Ipinatupad na rin ang matagal nang resolusyon tungkol sa pagbibigay ng sticker sa mga may sasakyang taga-loob at mga regular na pumapasok sa loob ng subdibisyon, kasama na ang Bond ng mga kontratista at bayad ng mga malalaking sasakyan na nakakasira ng karsada at nga bakod ng subdibisyon.

Upang lalo pang mapabilis ang ugnayan, binigyan rin ng asososayon ng 2 ways Radio ang Security Guard na naka frequency sa Radio Station ng Roseville subdibisyon kung saan naka-monitor ang ilang opisyales ng asosasyon.



See more News

Roseville Subd., San Jose City
Sto. Tomas, Nueva Ecija, Philippines
email: info@roseville.mysubd.com