Pagpupulong sa pag-itan ng mga Border at pamunuan, ginanap

Matagumpay na ginanap ang pagpupulong sa pag-itan ng mga Roseville border at pamunuan ang asosasyon sa pangunguna ni pangulo Elito V. Circa kasama ang pangalawang pangulo na si Isagani Bugayong Jr. at Berlina Mateo bilang P.R.O.

Tinatayang mga nasa 50 estudyante na borders ang dumalo sa unang pagpupulong nito lamang Agosto 26, 2015 sa ganap na 7 ng gabi na ginanap sa Club House. Bagamat putol pa rin kuryente sa loob ng club house nagdala naman ang pamunuan ng ilaw na gamit ang cell baterry.

Ilan sa mga nagpag-usapan rito ay ang pakikiisa ng mga borders sa ordinansa at batas ng subdibisyon kasama na rito ang maayos ng basura, bayad sa tubig, pagsunod sa curfew at pati na rin sa pagdalo ng mga programa ng asosayon tulad ng fun run at paggunita sa araw ng pasko.

Ipinaliwanag naman ni Dir. Bugayong ang tungkol sa security and safety sa loob ng subdibisyon at ilang alituntunin bilang border na tumitira sa loob ng subdibisyon.

Hiniling rin ng pangulo ang pakikiisa ng mga student organization upang magsagawa ng mga proyekto o public service na makakatulong sa mamamayan at sa kapaligiran ng subdibisyon.



See more News

Roseville Subd., San Jose City
Sto. Tomas, Nueva Ecija, Philippines
email: info@roseville.mysubd.com