Pangkalahatang Pagpupulong at Paggunita sa Araw ng Roseville, Ginanap

Setyembre 9, 2014 - Ginanap ang pangkalahatang pagpupulong sa lugar ng Club House sa loob ng Subdibisyon. Tulad ng dati sinimulan ito ng maikling panalangin at kasabay nito ang ulat ng pangulong Elito Circa tungkol sa mga natapos nang mga proyekto.

Inisa-isa ring talakayin sa pagpupulong ang mga kasalukuyan at nakasalang na mga proyekto upang marinig at makuhanan ng opinion at mungkahi ang mga aktibong miyembrong dumalo. Ilan rin sa napagkasunduan na proyekto ay ang pagbili ng Grass Cutter, Solar Panel System para sa mga street light, karagdagang CCTV at ilang kagamitan na mapapakinabangan ng mamamayan.

Humarap rin sa pulong ang Security Guard upang ipakilala at makilala ng mga mamamayan at masabi ng harapan ang nais ng mga nakakarami. Pinag-usapan rin ang mga pamamaraan at hakbangin sa pagpapaigting ng paniningil sa mga nakakalimot magbayad ng serbisyo sa tubig at buwanang butaw. Ilan sa mga pamamaraan ay iminumkahi mismo ng mga nakakarami.

Ginunita rin sa araw na ito ang "20th Founding Anniversary" ng Roseville Subdibisyon sa pamamagitan ng simpleng paghahanda ng pansit, tinapay at juice. Nagkaroon rin ng Rafle Draw sa First Prize at Second Prize mula sa mga listahan ng mga dumalo. Bagamat ang souvenir program book ay hindi naihabol sa naturang araw dahil sa mga kakulangang artikulo, ipinangako naman ng pangulo na tatapusin ito bago magpasko.

Sa huling yugto ng pagpupulong, pinuri at pinalakpakan ng lahat ang mga pagsusumikap ng mga namumuno sa pagtupad ng tungkulin lalo na ang malaking pondong naipon ng asosasyon.



See more News

Roseville Subd., San Jose City
Sto. Tomas, Nueva Ecija, Philippines
email: info@roseville.mysubd.com